Sunday, February 9, 2014

Types Of Crushes

Lahat tayo may crush. Pero iba-iba kaya naisipan kong gumawa ng post about it.

(Ang hirap, nagsearch pa ako online)

________________________________________________________________________
---------CELEBRITY CRUSH-------------------------------------------------------------------------------------------

Sila yung taong baliw na baliw ka ngunit napakaimpossible nyang abutin.
Dahil:

~Artista/Model/Singer/Dancer etc siya.
~Dahil sa trabaho niya.
~Hindi ka niya kilala.
~Ang layo ng kung saang siya (or kung saan siya nakatira) mula sa inyo.
________________________________________________________________________
---------ONLINE/FOUND-IN-SOCIAL-MEDIA TYPE OF CRUSH--------------------------------------------

Sila yung lalaking hindi mo pa nakilala sa personal, pero dahil sa mga kaibigan mong ni-re-
retweet ang mga posts nya o pictures niya. O di kaya naman ay pina-plug siya, kaya ayan
napapanaginipan mo syang nagkita daw daw kayo. 

Nakikita sa tumblr, facebook, instagram, wattpad, twitter at kung anong social media pa yan.

________________________________________________________________________
---------PHONE NI YETA CRUSH-------------------------------------------------------------------------------------

Siya yung nakakainis na nakakabanas na crush na hindi mo alam na crush mo pala. 

Most of the time sila ay "bully". Uso ang type-of-crush na itey sa Watty Land.

________________________________________________________________________
---------NAGPAKITANG-MULI CRUSH------------------------------------------------------------------------------

Siya yung, ave-looking or below-ave-looking lang na klassmate/kakilala mo noon na pumanget-
-I mean, gumwapo ngayon. Hindi mo siya nakita for soo many years, pero ngayong nagpakita
na siya (at nag-wave pa) parang ewan, undescribable kasi hindi pa naexperience ni author

________________________________________________________________________
----------LOLO or BABY CRUSH -------------------------------------------------------------------------------------

Ang exage ko. Ang Lolo o Baby crush ay yung crush mo na, awkward para sayo ang age gap.
Halimbawa, professor mo sa isang subject. If girl ka, mas mafeel mo ang awkwardness kapag
iniimagine mong magkatuluyan kayo ng  crush mong mas bata sayo. 

________________________________________________________________________
---------BAWAL NA CRUSH--------------------------------------------------------------------------------------------

Yung taong may KONTING pagtingin ka pero hindi mo talaga aaminin kasi mali. As in mali 
talaga, halimbawa, jowabells ng kapatid mo.

________________________________________________________________________
---------COINCIDENTALLY-THERE NA CRUSH-----------------------------------------------------------------

Siya yung friends-of-friends mo na laging ninanakaw ang iyong paningin. Napansin mong halos
magkasabayan kayong pumasok ng gate sa school isang umaga. Napansin mong kumain siya
sa canteen. at marami pang pagkakataon na nakita mo siya. "He's always there, but not here"
kasi hindi mo pa siya nakakausap ng totoong pag-uusap.

________________________________________________________________________
---------SIYA-NA-SIGURO NA CRUSH-------------------------------------------------------------------------------

Yung feeling mo, meant-to-be kayo. An daming similarities at common likes nyo pero somehow
 hindi kayo pwedi kasi, FEEL mo lang.

________________________________________________________________________
---------ONE-DAY-STAND NA CRUSH------------------------------------------------------------------------------

Sila yung isang beses mo lang makikita. Halimbawa, nakasalubong mo lang sa daan o 
nakasakay mo lang sa jeep. Then the next day/week, nakalimutan mo na siya.

________________________________________________________________________
---------MALANDING BUSINESS CRUSH-------------------------------------------------------------------------

Siya yung AKALA mo may pagtingin rin sayo. Nag-wi-wink siya sayo, ngumingiti ng matamis, 
at nagsasabi ng mga mabulaklaking salita sayo. UPANG bumili ka ng paninda nila (o kung ano
 mang business yan.)

________________________________________________________________________
---------NON-EXISTENT CRUSH--------------------------------------------------------------------------------------

Sila yung mga characters sa movies, books, mangas, anime, series etc.

(can't describe. I'm still brokenhearted by Levi Heichou. May crush rin ako kay Killua Zoldyck 
wag nyong agawin sila)

________________________________________________________________________
---------UNREQUITED CRUSH-----------------------------------------------------------------------------------------

Very common. Ang pagkacrush mula sa Celebrity crushes to sikat na estudyante, kasama dito.

Nakakaaliw to na nakakastress, depende sa rason o level ng pagtingin.

________________________________________________________________________
---------IT'S-COMPLICATED CRUSH-------------------------------------------------------------------------------

Parang Relationship lang ang tawag eh. haha.  Anyway, siya yung may may crush rin sayo. A 
magic happened at nag-aminan kayo tas date-date pero hindi kayo. tapos ewan na m.u. na
 magulo na maaaring masira ang pagsasamahan na ANG HIRAP MAEKSPLEYN.

It's complicated nga e.

________________________________________________________________________
---------MALANDING CRUSH------------------------------------------------------------------------------------------

The Player. Siya yung malanding malande. Mayroong milyones na bilang ng girlprens at gusto 
ang kababaihan. Gusto at hinabol-habol din siya ng kababaihan. Kahit na maraming qualities
 sa kanya na nakaka-"turn off", hindi mo pa ding maiiwasang magkagusto sa kanya kasi
 nahawa ka sa mga taong may crush sa kanya kahit na "he's crushing their hearts"


Yun na lang. Tinatamad na ko.

If you have any suggestions, i-comment mo lang.

No comments:

Post a Comment